DOON,SA DAKO PAROON


Kay gulo ng mundo,paikot-ikot na parang gulong.
Uurong ba o susulong?
Bakit nga ba ang daming bumubulong?

Paano ba makaka-alis sa pagkakakulong?
Sino ang tutulong?
Saan maaring idulong?

Ano ba ang mali?
Ay ewan! Ilang araw nang hindi mapakali.
Hinahanap ang dating ngiti.

Kaya kahit panandali, ako'y dali-daling magkukubli.
Magbabakasakali!
Lilisan sa silangan patungo sa kandungan ng kanluran.

Susuyudin ang mahabang lansangan.
Malayo sa kamalasan.
Kakalas sa nakaraan. 
Iiwan ang mga alinlangan.

Hahanapin ang lunas sa mga bakas ng kawakasan.
Maglalakbay na 'sing bilis ng pana na 'di alintana kung saan tatama.
Tatama na! Itatama na!
Tama na!

Aabutin ang mga tala
at aasang makita ang taglay nyang kislap.
Yayakapin ang alapaap.
Nang kapayapaan ay malasap.

Panalangin ko sa poon.
na makamtan ang mga sagot.
Doon kung saan walang poot at lungkot.
Sa dako paroon.

Comments